Miyerkules, Agosto 21, 2013

Mga Pabula

Mga Pabulang Sariling Likha



ANG BATANG GAGAMBA

May isang batang gagamba na nag lalaro sa kanilang sapot kasama ang kaniyang ina nang dumating ang mga kaibigan nitong gagamba at inaya siyang mag laro sa kasama nila. Agad siyang nag pa alam sa kanyang ina.
"Ina pwede po ba akong mag laro kasama nila sa labas?"  Tanong ng batang gagamba sa kanyang ina.
Ngunit dahil sa ayaw ng kanyang ina na mapahamak ang anak at mahuli ng mga tao hindi niya ito pinayagan.
"Anak, alam mo naman di ba na delekado sa labas?  Baka mahuli ka ng mga tao duon at pag laruan, paano na lang ako kapag nawala ang nag iisang anak ko? Dito ka na lang sa ating sapot mag laro kumpleto naman ang laruan mo eh" sabi ng ina.
Nalungkot ang bata, at agad na nag tungo sa itaas ng sapot nila at nag mukmok, ilang oras ang nakalipas ng mag pa alam ang inang gagamba a kanyang anak para kumuha ng pag kain.
"Anak dito ka muna ha? Mangunguha lang ako ng pagkain ha? Dito ka na lang mag laro, pangako pag balik ko may premyo ka." Sabi ng Ina sa batang gagamba.
Ngumite ang batang gagamba at nagsabi ng OO. Lingid sa ka alamang inang gagamba pag ka alis na pag ka alis niya ay agad na nag bihis ang batang gagamba at nag tunggo sa labas ng sapot nila para sumunod sa mga kainbigan niya para mag laro sa may gubat.
Nag lalaro silang mag kakaibigan, ng biglang may mga yabag silang narinig at ang sangang kanilang pinag kakatayuan ay gumalaw. At agad silang dinakma at inilagay sa kahon ng posporo. Habang nasa kahot ng posporo, na alala niya ang sinabi ng kaniyang ina, ang pahamak na nag aabang sa kaniya sa labas. Ngunit huli na para mag sisi dahil andun na siya sa madilim na lugar na iyon.

ANG ASO AT ANG PUSA

           Isang araw naglalakad ang dalawang magkaibgan. Pinag-uusapan nila kung paano sila makakakuha ng bunga sa puno ng mangga.

Sabi ni aso, “Kanya-Kanya tayong kuha ha.”

Umakyat si pusa sa mangga pero nalaglag s’ya. Sinubukan pa din ni pusa, pero hindi n’ya pa din kinaya. Si aso naman niyuyug-yog na lang ang sanga ng mangga sa kagutuman n’ya ng sobra sobrang niyugyog na puno halos matumba na pero hindi pa din sila makakuha.

Nakakuha si Pusa ng 5 pirasong mangga.

Sabi ni pusa,  “O paano ba yan nakakuha ako ng 5 piraso ng mangga, sabi mo kanya-kanya tayong kuha kaya ako lang ang kakain nitong mangga.

Sa sobrang galit at gutom ni aso napagisip-isip n’ya na pagnakawan si pusa, kaya ninakaw n’ya ang isang piraso ng mangga. Pero ang nakuha ni aso ay may masamang kemikal kaya nung kinain n’ya ito ay bumula ang kanyang bibig.

Hinahanap ni pusa si aso upang bigyan n’ya si aso dahil awang-awa na s’ya dahil gutom na gutom na si aso. Kaya lang nakita n’yang bumubula ang bibig ni aso.

Sabi ni aso kay pusa, “Pusa patawarin mo ako dahil kumuha ako ng isang piraso ng mangga habang kumakain ka.

Tinanggap ni Pusa ang pagpapatawad ni aso sa kanya.

Sa sobrang nakakamatay ang mangga, ay biglang tumaob na lang si aso.

ANG LOBO AT ANG KAMBING

          Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

                Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.""Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.